Sa ulat ni Nenita Hobilla ng GMA-Iloilo sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes, sinabing maaanig sa pader ang hugis ng mukha ni Kristo.
Pero ayon kay Dr. Ivan Luke Fernandez, isang dentista na nag-aral tungkol sa mga nabubuong imahe o pigura sa mga bagay tulad ng ulap, isang psychological phenomenon o pareidolia ang nangyari sa pader at hindi himala.
Ang pareidolia ay ang kakayanan ng isang tao na makabuo o makakilala ng hugis na nabubuo sa mga bagay tulad ng pader, ulap, bato at iba pa.
Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Simbahang Katolika tungkol sa paglitaw ng imahe ni Kristo sa pader.
GMA News
No comments :
Post a Comment