Photo Source: Mark Kaven Gaboc |
San Andres, Romblon – Isang mangingisda sa Calunacon, San Andres, Romblon ang nakahuli noong nakaraang linggo ng isang kakaibang uri ng isda na may scientific name na Peristedion barbiger o mas kilala bilang Bearded Armored Sea Robin. Ayon sa mga residente ng barangay, napasama lamang ang kakaibang isda na ito sa mga nahuli sa laot at agad namang dinala sa pangpang upang ipakita sa mga kapwa residente.
Ayon naman sa TheFeaturedCreatures.Com, ang mga ganitong klaseng isda ay natataguan lamang sa malalamin na dagat na may 50-295 meters ang lalim at kalimitan rin raw na nasa 15.5cm ang haba ng Bearded Armored Sea Robin.
Ang mga isda na ito ay gumagapang lamang sa mga sea floor gamit ang kanilang mga makeshift legs, or ang kanilang mga pectoral fins.
Continue reading
by Paul Jaysent Fos
http://romblonnews.com/
No comments :
Post a Comment