Workers on Tuesday, February 19, start digging out and and earth-balling trees on the center island of OsmeƱa Highway in Manila as the construction for the Skyway 3 project begins. Danny Pata |
Sinimulan nang putulin ng mga awtoridad ang mga punong tatamaan ng konstruksyon ng Skyway 3 project.
Karamihan ng mga pinutol na puno ay iyong nasa gitna ng mga apektadong kalsada, ayon sa ulat ni Sam Nielsen sa radio dzBB nitong Miyerkules.
Sinimulan na ang konstruksyon nitong Lunes ng gabi para sa Skyway 3 na nagsisimula sa Buendia Makati hanggang Balintawak sa Quezon City.
Humingi na ang pamahalaan sa mga motorista ng kaunting pag-intindi at hinikayat ang mga ito na dumaan na lamang muna sa ilang mga alternatibong ruta.
Bumigat ang daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar nitong Martes bilang resulta ng pagsisimula ng konstruksyon para sa Skyway 3 na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang taon.
@gmanews @dzbbsamnielsen Sana ilipat lang! Kailangan natin ng mga puno!!!!!!
— jem flores (@jame0727) February 18, 2014
Read more
No comments :
Post a Comment