movi Jepinize: Sino na ang gaganap bilang Don Manolo sa Villa Quintana?

Monday, February 24, 2014

Sino na ang gaganap bilang Don Manolo sa Villa Quintana?

Villa Quintana
Villa Quintana

Al Tantay
Al Tantay

Hindi raw tinanggal si Al Tantay sa Got 2 Believe (G2B) kaya siya lumipat sa Villa Quintana ng GMA-7.

“Actually, nagpaalam! Nagkaroon ako ng last taping day, Monday,” umpisang kuwento ni Al sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Villa Quintana sa Bustos, Bulacan, noong nakaraang Biyernes, February 21.

Hindi pa raw talaga tapos ang karakter niya sa G2B ng ABS-CBN.

“Hindi pa, walang closure, 'di ba? Pero since yun nga, tatanggapin ko ito [Villa Quintana] e nagpaalam kami,” paliwanag niya.

Wala raw siyang kontrata sa ABS at hindi raw siya nahirapan na magpaalam.

“Humingi lang sila ng isa pang taping day,” dagdag pa ni Al.

Hindi rin naman daw siya sabay na mapapanood sa dalawang shows; sa March mapapanood si Al sa Villa Quintana.

Aniya, “Sa Villa Quintana kasi as long as pagdating ng March wala na akong ie-air doon sa kabila.”

Ang huling episode daw niya sa G2B ay inere na noong Miyerkules.


TAKING OVER ROY ALVAREZ'S CHARACTER. Si Al ang papalit sa papel ng yumaong si Roy Alvarez bilang si Don Manolo sa Villa Quintana.

Ano ang nakapagdesisyon sa kanya na tanggapin ang alok ng GMA?

“Ibang ano naman, ibang bakuran, ibang mundo naman. Kasi matagal-tagal na din naman ako doon,” pahayag ng beteranong direktor.

Ang huli niyang show sa Kapuso Network ay ang Gumapang Ka Sa Lusak.

“E, ganun naman tayo, ikot lang naman, e. Walang masamang tinapay, walang masamang ano kaya lang ibang hangin, ibang environment, 'di ba?” sabi pa niya.

Continue reading...
Share this on

No comments :

Post a Comment